Health Is Wealth
Mapangkutya ako noon lalo na sa mga bigatin o matatabang tao. Minsan pa nga ay muntik na akong mapaaway nang kumasa yung matabang kaklase ko nang sabihan ko na matakaw siya dahil sa halinhinan nitong pagkain ng dala-dalawang burger sa magkabilang kamay nito. Pero, sinong maga-akala na balang-araw ay magkakalapit kami sa isa't isa, isang karanasang hindi ko malilimutan. Masasabing may kaya kami sapagkat sa pribadong paaralan ako nag-aaral, kumpleto palagi ang mga kakailanganin sa school, at hindi bababa sa isang daan ang baon sa araw-araw na sa karaniwang estudyante sa amin ay kaya nang tumustos ng isang pamilya sa buong araw. Kaya nang mawalan ng hanapbuhay ang aking mga magulang ay parang bumagsak ang aking mundo. Dahil sa kakulangan sa pera, hindi na ako nakakabayad ng tuition fee ng kumpleto at sa tamang oras. Palaging may mga promissory notes kaya naman special exams palagi ang naibibigay sa akin. Ang dating sobra-sobrang baon ko sa araw-a...
Comments
Post a Comment